OPEN LETTER to OFWs in Kuwait at sa buong mundo

0 109

politiko_kuwait4

Posted by/Comply with Ram MG Labra

To our beloved OFWs in Kuwait at sa boung mundo.

Mga minamahal na Kapatid,

Mabuhay!

Ang totoo nyan, midday pa man sa bawat pagkakataong makita namin ang mga karumal-dumal na sinapit ng iba sa inyo sa kamay ng mga barbaric na amo, bukod sa nasaktan at galit, iniisip po namin na sana itigil na ng gobyerno ang pagpapadala sa inyo sa mga bansang itinuring na hayop ang mga Filipino. Mas higit na nasaktan ang mga pamilya ng mga naging biktima kasabay ang paguho ng kanilang pag-asang makamit ang mga pangarap. Batid po namin ang hirap at bigat ng inyong desisyong lumayo sa inyong mga mahal sa buhay. Ramdam namin ang inyong pangungulila at hirap sa trabaho. Kasama kami sa inyong pleasure na makauwi at makita ang bunga ng inyong pagsasakripisyo. Maliban pa dito, napakalaki ang inyong naging ambag sa ikinaangat ng ekonomiya sa ating bansang minamahal. Dahil sa inyong matapang na pagsoung sa panganib, binuhay ninyo hindi lamang ang inyong pamilya kundi pati ako, at kaming lahat na narito sa Pilipinas. Dahil sa katotohanan iyan, itinuring kayong mga BAYANI sa isang naaiiba at bagong paraan.

Mga Kapatid, hindi sapat po ang salitang salamat sa inyong ginawa ng kadakilaan. Dahil sa inyong Sipag at Tyaga, inilagay ninyo sa katanyagan ng Filipino pagdating sa kaayusan, kalinisan, kasipagan sa mata ng daigdig. Bagamat might iilang naging marupok ngunit nananaig sa inyo ang magandang halimbawa kaysa sa mga taga Ibang bansa. Kung kaya, isang pagpupugay po mula sa amin na inyong tinulungang mabuhay dito sa ating bansa.

READ ALSO  Fliptop - BADang NAKULONG! Trending 2017! HD

Ang deklarasyon ng ating mahal na Pangulong Duterte sa ganap na pag ban ng pagpapadala ng mga trabahante sa bansang Kuwait, ay isang pagmamalasakit at pagmamahal ng isang ama sa kanyang mga anak. Katulad ng ating ama sa dugo, siya nasasaktan ng labis sa tuwing minaltrato, inaapi at pinapatay ang kanyang mga anak. Mas higit nyang nakita ang inyong dakilang sakripisyo. Tungkulin ng isang ama na ipaglaban ang kanyang nasasakopan. Ipagtanggol at hindi ipapahamak. Nais niyang Ipakita sa inyo ang kanyang pagmamahal. Pagmamahal na hindi maaring ikompromiso dahil sa pera, o dahil sa takot na mawalan ng ugnayan ang Pilipinas at Kuwait. Nais nyang ipabatid sa boung mundo na ang mga Filipinong mangagawa ay karapatdapat igalang bilang tao na might dignidad at hindi alipin kagaya ng ginawa ng mga mala halimaw ng mga amo.

Noong nakaraang eleksyon, binigay ninyong mga OFW ang landslide vote para sa kanya. Sa puntong ito, ayon sa kanyang kakayahan bilang tao at kapangyarihan bilang Pangulo, ginawa niya ang nararapat. Aming nais ipabatid na suportahan natin sya. Napauwi na ang marami sa inyong might mga problema sa dokumento. Magtulungan po tayo. At kayong nasa maayos ng kalagayan, tapusin ang kontrata at umuwi na rin. Ipakita natin sa bansang Kuwait at babala na rin sa ibang bansang nangmamaliit sa atin na ang Pilipinas sa isang malaking kawalan. Lumpo ang mundo kung wala kayong mangagawa. Could maraming bansang makatao at mas mataas magpapasweldo.

Sana po mga Kapatid ay ating lubos na mauunawaan para sa inyong kaligtasan.

Mabuhay po kayong lahat!

READ ALSO  Wag masyadong apurado, wala ka pang ginawa sa bayan

Mga Tunay na anak ng Bayan,

Ram MG at boung hukbo ng DDS

First Seen on Here