Top Philippines Trend News

Kris at NoyNoy Namumurong tumakbo sa 2019 senatorial elections

0

Hindi paman din natatapos ang taon at mayroon pang mahigit isang taong para muling isagawa ang halalan. May mga ugong-ugong na kung sino ang napupusuang tumakbo at kung sino ang pinaghihinalaang maaring tumako sa pagka senador.

At ang nakakagulat pa na balita ukol dito ay namumuro daw diumano na tumakbo si Nonoy o kaya si Kris Aquino sa senatorial elections na gaganapin sa 2019.

Ito daw ay kung hindi aangat ang score ni Bam Aquino sa survey, pero ganun paman ito ay naghahanda padin sa kanyang reeleksyon sa darating na halalan.

Ayon pa sa report, sa status ni Bam Aquino ngayon ang buong pamilya daw nito ay nangangaba din dahil sa pagbaba ng ratings nito.

Kung dati ay pang-9 pa ito, sa huling survey ay tanggal na ito sa tinatawag na Magic 12. Kasama ni Bam sa labas ng winning circle si Senador JV Ejercito na tatakbo din ng reeleksyon sa darating na halalan.

At kahit pa daw makabawi sa survey si Bam ng pang 9 o hanggang 12 sa puwesto, hindi padin nila isusugal ang pagkakandidato nito sa darating na halalan dahil ang puwestong pagkasenador ay delikado na matalo sa halalan.

Dahil nga sa pangambang ito ang unang opsyon ng pamilya at patakbuhin si Kris, dahil bagamat bihira na ito lumabas eh malakas padin ang hatak nito sa publiko dahil nadin sa mga taga hanga niya sa pagiging artista.

Kung matatandaan minsan nading inudyukan si Kris na tumakbo noong 2016 ngunit tinanggihan niya ito.  

At kapag muling tumanggi si Kris, si Noynoy ang ineengganyo na tumakbo sa pagka senador.

Ngunit sa mga naunang balita, ayaw na daw bumalik ni Noynoy sa pagkasenator, subalit hindi padin daw nagsasara ang kanyang pintuan na posibleng ngang tumakbo ulit ito sa darating na halalan.

Ginagawa diumano ito ng pamilyang Aquino dahil nais nila na may isang miyembro ng kanilang angkan ang patuloy na manilbihan sa Senado. 


Source:ABANTE/newsquirerph

First Seen on Here

READ ALSO  LIVE NOW: TUwang-TUWA si PRES. DUTERTE sa mga PNPA Class 2017